Friday, April 10, 2026

“Drowning in an Ocean of Silence”

Cyrel POV: A Seat Beside My Fear

I hate crowded places.

Pero wala akong choice. Kailangan kong makipagsapalaran sa ibang lugar para kumita ng pera. This school year, magsisimula na ako sa college, kaya kailangan kong magsikap mag-isa. Ayoko nang humingi ng tulong sa mga magulang ko alam kong isusumbat lang nila ito sa akin araw-araw.

The bus from Butuan to Osamis is always like this maingay, siksikan, at halos wala nang hangin. Pakiramdam ko lagi akong nauubusan ng space… hindi lang para sa katawan ko, kundi para sa sarili ko.

I kept my head down, earphones in, kahit wala namang tumutugtog. It helps. Kahit papaano, feeling ko invisible ako. Like I don’t exist.

Bayad!”

Napapitlag ako sa lakas ng boses ng konduktor. Mabilis akong nag-abot ng bayad, pilit pinapakalma ang kamay kong nanginginig.

I hate this feeling. Parang lahat ng tao puwedeng manakit sa’kin. Natatakot ako pero pinipilit kong kalmahin ang sarili ko. Ramdam ko na rin ang luha sa gilid ng mata ko, naghihintay lang na pumikit ako para tuluyan itong bumagsak.

“Osamis?” tanong niya.

Tumango na lang ako. Para bang may batong nakabara sa lalamunan ko, pinipigilan akong magsalita.

“Studyante?”

“…O-oo,” utal kong sagot. Parang naiirita siya sa tagal ko sumagot, at pakiramdam ko kahit anong oras ay sasaktan niya ako.

Nang makaalis siya, saka lang ako nakahinga nang malalim. Para bang may bigat na nawala sa dibdib ko.

Habang bumabyahe kami, pinagmamasdan ko ang paligid. At sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam ako ng konting ginhawa. Parang free ako. Sa wakas, nakalayo ako sa lugar kung saan ako lumaki sa lugar na nagbigay sa akin ng mga sugat na hindi ko naman ginawa, pero ako ang kailangang maghilom mag-isa.

Biglang huminto ang bus, at mas dumami ang sumakay. Siksikan lalo, hanggang sa halos wala na akong galaw.

Then someone sat beside me.

“Move.”

Bigla akong kinabahan sa baritonong boses niya. Yung tipong hindi mo kayang suwayin parang kapag hindi ka sumunod, may mangyayaring masama.

“Sorry po,” agad kong sabi habang umuusog.

“Relax. I don’t bite,” sabi niya, sabay mahinang tawa.

Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo akong kinabahan.

Dahan-dahan akong lumingon.

He looked older. Malinis. Maayos manamit. Halatang may kaya sa buhay yung tipong sanay sa komportableng mundo, hindi sa siksikan at ingay na meron dito.

Naiwas agad ako ng tingin.

“First time seeing you,” sabi niya. “You from around here?”

B-Butuan,” sagot ko, halos pabulong.

“Hmm,” he nodded. “Figures.”

Tumahimik ulit kami.

Pero hindi ako mapakali. Ramdam ko ang tingin niya sa’kin parang sinusuri ako, parang may hinahanap.

“Why are you shaking?”

Nanigas ako.

“I’m not,” mabilis kong sagot.

“You are,” sabi niya, may maliit na ngiti. “You scared of me or something?”

Hindi ako sumagot.

Kasi oo.

Hindi dahil sa kanya mismo. Pero dahil sa kung ano siya sa paningin ko isang paalala ng mga taong malalakas. Mga taong sanay mag-control. Mga taong kayang manakit nang hindi nagdadalawang-isip.

“I’m Kier,” sabi niya, parang wala lang.

Tahimik akong huminga bago sumagot.

“…Cyrel.”

“Cyrel,” ulit niya, parang sinusubukan kung bagay sa akin ang pangalan ko. “You’re quiet.”

Napayuko ako.

“…Sorry,” bulong ko.

Natawa siya, mahina lang.

“You say sorry too much.”

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Kasi totoo naman.

Sanay na ako.

Sa paghingi ng sorry kahit wala naman akong kasalanan.

Tumahimik ulit kami.

Pero sa pagkakataong ito, iba na ang pakiramdam.

Hindi na siya ganun kabigat.

Hindi ko maintindihan kung bakit.

Pero sa unang pagkakataon....

Parang may nakakita sa akin.

Sa gitna ng dagat ng mga tao, pakiramdam ko may isang taong nakarinig ng sigaw ko kahit hindi ako sumisigaw.

“I’ve been drowning in a world full of people… yet no one ever noticed I was already sinking.”

As the bus continued its ride to osamis, hindi ko alam na ang simpleng pag-upo niya sa tabi ko ay magsisimula ng pagbabago sa buhay ko. 

No comments:

Post a Comment

Prologue

 “Pa… wag…” mahina kong sigaw, nanginginig ang boses ko habang pilit kong pinipigilan ang sakit. Galit na galit siya. Hindi dahil may gina...